Isang malungkot na umaga ang sumalubong sa aming pamilya nitong nakaraang Hunyo 24, 2009 ng matanggap namin ang mensahe na sumakabilang buhay na ang isa sa aming malapit na kamag-anak na si Franco Doria, anak ni Lola Data na kapatid ni Lola Daling.
Ang balitang ito ay kinagulat at kinalungkot ng lahat sapagkat biglaan ang mga pangyayari - inatake siya at nagkaroon siya ng Myocardial Infraction sa puso, at yun na rin ang naging sanhi ng kanyang pagkamatay. Ang libing ay sa linggo, ika-28 ng Hunyo.
Taos puso naming pinapaabot ang aming pakikiramay sa mga naiwan ni Tito Franco. Kami ay kasama ninyo sa patuloy na pagdarasal para sa ikabubuti ng bawat isa - ng yumao at mga naulila.
Paalam, Tito Franco, mahal ka ng lahat ng naiwan mo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment